Tuesday, July 17, 2018

PANOORIN: Si Ate, Advance Mag-isip! Lalaking Nakatabi, Pinaghinalaang Minamanyak Siya



Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang lalaking nasira sa social media dahil sa ginawa ng babae na kanyang nakatabi sa isang pampasaherong sasakyan.
Sa video na pinakita ng lalaki na pinost ng babae, pinaghinalaan siya ng babaeng ito na siya umano ay may kababalaghang ginawa dahil sa patingin-tingin nito sa babae at ang kamay nito ay naka-puwesto sa bandang ari niya.

Pinost umano ng babae ang video na ito at nag-trending sa social media na dahilan para mabatikos si lalaki ng mga Netizens.
Ito ang dahilan kung bakit nagtungo si lalaki sa programa ni Raffy Tulfo para humingi ng tulong at linisin ang kanyang pangalan.
Paliwanag ni lalaki na si Jan Rio Ampo, hindi umano siya gumagawa ng masama sa mga oras na iyun. Itinago lang umano niya ang kanyang kamay na may kati-kati at kinakamot ito. Pinatunayan naman ni lalaki ito dahil pinakita niya mismo kay Raffy Tulfo ang kanyang kamay.
Pinagtanggol naman ni Raffy Tulfo ang lalaki tungkol sa patingin-tingin nito sa babae. Dahil sa kagandahan ni babae. Maganda at sexy si babae kaya naman kahit sinong tunay na lalaki ay talaga mapapatingin sa kanya.
Sa huli, nagka-ayos ang dalawa at naintindihan na ni babae ang sitwasyon ni lalaki at nangako itong sisiyasatin muna niya ang mga hinala niya bago niya ito ibahagi sa social media na pwedeng makakasira ng ibang tao.
Panoorin ang Video:


Ito naman si ate, ang pangalan niya ay Cherry Margallo. Tingnan po ang kanyang mga larawan. Kahit sino talaga ay siguradong mapapatingin sa kanya. Ok na at nag-sorry na si ate sa kay lalaki.



 


SOURCE: Raffy Tulfo Action


Loading...

0 comments:

Post a Comment