Tuesday, July 17, 2018

PANOORIN: OFW, Nagtapon ng Sulat sa Bintana para Makahingi ng Tulong


Maraming Filipino talaga ang nangingibang bansa dahil sa hirap ng buhay. Ang iba sa kanila ay mapalad subalit ang ilan naman sa kanila ay minalas dahil sa mga abusadong employer na kanilang naging amo.
Isa na rito sa mga naaabuso si Joan Polancos Guillen na taga Panabo Davao at nakarating ng Amman, Jordan para magtrabaho at makatulong sa pamilya.
Ayon sa isang kababayan natin na si Shella Gardose Gedoria na nag-aalala sa kalagayan ni Joan, humingi raw ng saklolo si Joan sa kanya dahil sa pang-aabuso ng amo nito.
Sa salaysay ni Shella, naghulog umano si Joan ng sulat mula sa bintana at dito nakasulat ang paghingi nito ng tulong.
Base rin sa naging salaysay ni Joan kay Shella, hinaharas umano siya ng kanyang amo kada madaling araw para pagsamantalahan. Wala raw lock ang kanyang pinto kaya sinasaraduhan niya ito ng cabinet. Dito rin siya sa cabinet natutulog at may hawak na kutsilyo para pang depensa sa amo niyang manyak.
Hindi siya makapagsumbong sa kanyang pamilya dito sa Pilipinas dahil bawal umano siyang pahawakin ng cellphone.




Ito ay kanyang kinuhanan ng larawan at video saka pinost sa kanyang Facebook account. Sa ngayon ay may 9,726 Shares na ito simula noong i-post kahapon ni Shella.
Panoorin ang Video:





Sa agarang aksyon. Tulungan po natin na ikalat ito kabayan para matulungan natin si Kabayan sa pamamagitan ng pag SHar3 nito.


SOURCE: Shella Gardose Gedoria
Loading...

0 comments:

Post a Comment